UGNAYANG SINING TOMASINO
"Creativity is contagious, pass it on".
Albert Einstein
/about us
Nagsimula ang ang samahang ito ng mag kita ang dalawang mag kaibigan sa isang malayong lugar ng California Estados Unidos taong 2011..sila ay nagka isang mag organisa ng taunang eksibisyong makasining biswal. isang panimula na mag sisilbing reunion ng mga dating mag kakamag aral sa Unibersidad ng Santo Tomas..ito ay sinimulan nila April Villacorta na naka base sa Anaheim at Danny Rodriguez na bumisita sa lugar nila ( April) at Yannie Rumbaoa na masipag at ma agap na sumuporta sa ideyang tipunin ang lahat ng naging ka klase nila..kasama si Pingot Zulueta, Ernie Velasquez, Dennis Miguel, Samuel Lee, Totie San Juan, Janet Simeon at Tess Batalla la Forteza, sila ay sama samang nagtanghal ng isang eksibisyong biswal sa Sigwada Gallery sa Tayuman Santa Cruz Manila..ito ang naging mitsa sa pag buo ng grupong Ugnayang Sining Tomasino.. samahang pinag tagpo ng iisang layunin na itanghal ang ibat ibang konsepto ng pamamahayag sa pamamagitan ng obrang kinutkot sa kasuluksulukan malikhaing isip ng bawat isa..Ginanap ang matagumpay na Unang Yugto ng kanilang pagtatanghal sa GSIS Bldg nuong 2012. at ngayon sa ika 23 ng Nobyembre 2013 ang UGNAYANG SINING TOMASINO ay nag aanyaya sa gaganaping Ikalawang Yugto ng kanilang taunang pag tatanghal sa ika 6ng gabi sa Galeria de las Islas, Intramuros, Manila, na binubuo ng nauna at bagong miyembro na Sina Yannie Rumbaoa, April Villacorta, Josefino "Danny" Rodriguez, Jose V. "Pinggot" Zulueta, Ernie Velasquez, Samuel Lee, Janet Simeon, Totie San Juan, Rita Teresa Batalla Forteza, Arnie de los Reyes, Anjie Jimenez, Art Tibaldo, Roger Santos, Rafael Concepcion, Danny Marcelo, Maxima E. Pestano Long, Willy Tadeo Layug, Federico Sievert and Lette Lelette Boringot.